
Tel: +44(0) 113 242 4747
Fax: +44(0) 113 242 4646
webenquiry@eurodirect.co.uk
EuroDirect is part of the Callcredit Information Group alongside GMAP Consulting, Callcredit, Legatio, DecisionMetrics & Broadsystem

CAMEO Philippines
- Ang CAMEO Pilipinas ay nagkakaloob sa mga gumagamit ng isang sistema ng klasipikasyon na may mataas na antas ng pagtatangi-tangi ayon sa demograpiya at heyograpiya, para sa pagbabalangkas, pagpapangkat-pangkat at pag-tatarget ng merkado ng konsyumer sa Pilipinas.
- Nilikha gamit ang pinakabagong Sensus ng Pamahalaan ng Pilpinas at ipinaabot sa hanay ng Barangay, binibigyang-kapangyarihan nito ang mga mamimili na masuri ang mga katangian ng mga lokal na komunidad, kaugnay ng lipunan-ekonomiya at demograpiya.
- Binuo mula sa maraming iba’t ibang salik na may kaugnayan sa demograpiya at heyograpiya, kabilang na ang:
- Edad ng Bata at Matanda
- Dami ng mga Tao sa Sambahayan
- Migration o Pangingibang-pook
- Relihiyon
- Ethnicity o Kinabibilangang Lahi
- Mga Kuwalipikasyon
- Konstruksyon ng Gusali
- Kalagayan ng Pagkukumpuni ng Gusali
- Taon kung kailan Itinatag
- Tenure o Haba ng Panahon
- Floorspace ng Gusali o ang Nasasakop Nito
- Gumamit ng mga subok nang makabagong teknik ng pagmomodelo upang makita at matukoy ang isang mapangangasiwaang dami ng mga kumpol ng komunidad: 43 na uri ng sambahayan na inorganisa sa 9 na pangunahing grupo.
- Ang mga kumpol na ito ay sinuri na at napatunayang:
- Homogenous o magkakatulad sa kanilang pagkakagawa
- Nasa sapat na dami para sa praktikal na paggamit
- Walang itinatanging mga tukoy na rehiyon sa heyograpiya nito
CAMEO Pilipinas – Koda at Deskripsyon ng Grupo | % ng mga Sambahayan | |
|---|---|---|
1 | Mga May-kayang Mag-asawa at mga Binata’t Dalaga sa mga Eksklusibong Kapitbahayan | 12.50% |
2 | Mga Mayayamang Kapitbahayan na Malapit Nang Magretiro o Kasalukuyan Nang Nagsasaya sa Kanilang Pagreretiro | 8.98% |
3 | Mga Komportableng Pamilya sa mga Rural (Parang o Bukid) na Lugar na Pang-Ehekutibo (Executive Rural Areas) | 16.98% |
4 | Mga Komportableng Halo-halong Sambahayan sa mga Rural (Parang o Bukid) na Lugar | 14.36% |
5 | Mga Sambahayang Hindi Gaanong May-kaya na Mas Nakatatanda at Retirado | 11.85% |
6 | Mga Sambahayang Hindi Gaanong May-kaya na Mas Bata | 6.12% |
7 | Halo-halong mga Sambahayan na Hindi Gaanong May-kaya | 12.49% |
8 | Kapitbahayan ng mga Mas Mahihirap na Pamilya | 8.81% |
9 | Mga Komunidad ng mga Mas Mahihirap sa mga Rural (Parang o Bukid) na Lugar | 7.92% |
- May isang talahanayang madaling masasangguni, kung saan mayroong buod ng mga pangunahing katangian ng bawa’t grupo at kategoriya, kaugnay ng demograpiya at lipunan-ekonomiya.
- Ang CAMEO Pilipinas ay magagamit sa:
1) Pagpapalawak at paghihiwa-hiwalay ng mga naipong datos tungkol sa mga konsyumer o consumer database
2) Pag-unawa ng inyong mga kustomer at mga tumutugon sa inyo, sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng katangian o profiling
3) Paghahanap ng mas marami pang mga prospek sa pamamagitan ng paghahanap ng mga “look-a-likes” o “kawangis”, gamit ang direktang pagpapadala ng sulat sa mga tukoy na target, pagkakanbas o canvassing sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono at pagbabahay-bahay, at pamimigay ng mga polyeto o leaflet
4) Pagsusuri ng catchment area o lugar na pagtatapunan ng tubig at ng lokasyon
5) Pagpili mula sa mga listahan ng pinadalahan ng sulat, tinawagan sa telepono o pinuntahan nang bahay-bahay
6) Pag-unawa ng potensiyal ng merkado at magamit ito sa isang estratehikong pagpaplano, pagtatakda ng pinupuntiryang benta at pagsusuri ng pagkagawa sa site o lugar
7) Pagsasagawa ng makabagong pagsusuri gamit ang istatistika, at pagmomodelo




